"For behold this is my work and my glory - to bring to pass the immortality and eternal life of man."
Moses 1:39
 |
Philippines Cauayan Mission Logo |
Isang malaking karangalan ang maging kasangkapan ng ating Ama sa Langit at ni Hesukristo maging ng Espiritu Santo sa pagsasakatuparan ng kanilang layunin dito sa mundo, At bahagi ay imbitahan ang mga tao na lumapit sa kanila sa pamamagitan ng pagpapabinyag sa kanyang pangalan. Masaya akong masaksihan ang mga bahagi ng buhay ng mga tao na nakilala ko sa misyon na nagsisi at tinanggap ang ebanghelyo at di kalaunan ay pumasok sa sagradong tubig ng pagbibinyag. Hindi lamang ito, isang biyaya ang makita ang malaking pagbabago sa kanilang mga buhay matapos tanggapin si Hesukristo bilang kanilang tagapagligtas. Mahal ko ang gawaing ito, hindi matutumbasan ng kahit anong salapi ang mga modernong mirakulo na narasan ko na makita ang mga taong ito na nakasuot ng puti.
Fruit of the Gospel.... and their miracle story.
 |
RJ Visperas, Mikael, Elena and Marie, me and Sister Hafen
RJ baptism at Alicia Branch Chapel, December 21, 2013 |
Si RJ ang isa sa unang biyaya ko sa misyon. Siya ay bunga ng less active na kanyang ina at ilan sa kanyang mga kapatid. Ang pamumuhay ng kanilang pamilya ay masasabing napakahirap subalit ito ay hindi naging hadlang upang mawalan sila ng pananampalataya bagkus ito ang malaking pundasyon ng kanilang pamilya kung bakit nagsisikap sila na mas mapalapit sa ating Ama sa Langit at kay Hesukristo. Naging makahulugan para sa akin ang patotoo ni RJ dahil naniniwala sya at kanyang pamilya sa pangako ng Dyos na ang pamilya ay maaaring magkasama hanggang sa walang hanggan. Layunin nila bilang isang pamilya na makarating sa templo.
 |
Marieto Visperas baptism with his family.
Alicia Branch Chapel, January 25,2014 |
Si Marieto ay nakababatang kapatid ni RJ. Ang kanyang binyag ay katunayan na patuloy na paglago ng pananampalataya ng kanilang pamilya at patuloy ng pagkilos ng Dyos sa kanilang buhay. Medyo naging mahirap ang patanggap ni Marieto sa ebanghelyo dahil sa kanyang murang edad sya ay abala na sa paghahanap-buhay upang makatulong sa kanyang pamilya. Gayunpaman, malaki ang naging bahagi ng pagbabasa ng Aklat ni Mormon kasama ng mga pagdadasal at suporta ng kanyang mga kapatid kung kaya't tinanggap nya ang imbitasyon na magpabinyag. Natutunan ko sa unang bahagi ng aking buhay bilang misyonero na pinamakapangyarihang sandata ko ang Aklat ni Mormon at ang Espiritu Santo sa sagradong gawaing ito. Na hindi ko kailangan maging mahusay sa bawat aspeto ng misyon ang mahalaga ay matulungan ko ang mga tao na saliksikin ang mga banal na kasulatan at ang Espiritu Santo ang bahaala na magpapatotoo kasama ko.
 |
Sister Guttenbeil, Elder Taer, Bishop Sambile, Elder Tietjen, Elder Monilla (baptizer), Tatay Gelacio, Elder Heumann, Me
April 19, 2014 at Rizal Ward Chapel, Santiago North Zone |
Si Tatay Gelacio ay nakilala namin sa pamamagitan ng kanyang bunsong anak na bago pa lamang din nabinyagan na isa ngayon sa mg aktibong kabataan ng simbahan. Si tatay Gelacio ay katulad ng mga tipikal ng tatay na kung saan ay kahit sa anong trabaho at pagbabanat ng buto ay ginagawa upang mapunan ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Subalit isa sa mga naging hamon sa kanya sa kanyang pagnanais na lumpait kay Hesukristo ay ang kautusan ng Dyos ukol sa Batas ng Karunungan o ang "Word of Wisdom". Mahal na mahal nya ang kanyang bunsong anak, masaya sya habang nakikita ito na ipinamumuhay ang ebanghelyo sa pamamagitan ng pagsisimba tuwing linggo, pagbabasa ng mga banal na kasulatan, pagdarasal na kung saan ito ang naging simula ng pagkilala nya kay Hesukristo. Dito ay nakita namin at nasubok ang pagkakatatag ng kanyang pananampalataya dahil sa pagsisikap nya na masunod ang Batas ng Karunungan. Hindi lamang ito siya ay nagsikap din na huwag magtrabaho tuwing araw ng linggo upang makapagsimba kasama ng kanyang anak at nagtiwala sa Dyos na sila ay pagkakalooban ng kanilang mga pangangailangan kung tayo ay sumusunod sa kanyang mga kautusan. Nagpapatotoo ako sa karanasang ito ni tatay Gelacio na alam kong walang imposible sa Dyos kung tayo ay matuto na unahing magtiwala sa kanya bago pa man maisip na hindi natin kaya. Hindi ito naging madali sa kay tatay Gelacio, may mga oras na nabigo sya sa pagsunod ngunit ang kaibahan ay hindi sya sumuko.
 |
Sister Guttenbeil, Nanay Elvie, Nanay Letty and Me
Santiago Ward Chapel, May 3, 2014 |
Si Nanay Elvie ay nakilala namin sa pamamagitan ng kanyang kapatid na si Nanay Letty na aming investigator. Siya ay kalimitang dumadalaw sa bahay ng kanyang kapatid kung kaya't minsan ay naiimbitahan namin syang makinig habang kami ay nagtuturo sa kanyang kapatid, Di kalaunan ay ninais nya na ring magpaturo sa aming mga misyonero at mas matutunan pa kung ano ang ebanghelyo ni Hesukristo. Subalit ang kanyang tahanan ay malayo, kaya naman ay masaya kaming ipakilala sya sa mga misyonero na may sakop ng kanilang lugar at naramdaman namin na siya ay lubos ng handa upang matanggap ang ebanghelyo, Hindi kami nabigo at sya ay tuluyang naging ganap na myembro ng simbahan at biyaya na isa kami sa nakasaksi ng ganapin ang kanyang pagbibinyag kahit pa ay nauna siya kaysa sa kanyang kapatid. Alam ko at natutunan ko na may sariling panahon ang Dyos at dinadala nya sa atin ang mga taong kailangan natin at kung minsan tayo naman ang dadalhin nya sa mga taong nangangailangan sa atin sa itinatakda nyang panahon.
 |
Me, Nanay Elvie, Nanay Letty, Sister Guttenbeil, Sister Rahlf and President Rahlf
Rizal Ward Chapel, May 24, 2014 |
Sa wakas sa loob ng mga humigit kumulang walong buwan, at napakaraming mga misyonero na nagdaan at nagkapagturo kay Nanay Letty ay siya ay ganap na nabinyagan. Sya ay nakilala ng mga misyonero sa pamamagitan ng pangangatok sa mga bahay at sya ay mabuting nagpaunlak na papasukin sila sa kanyang tahanan. Siya at ang kanyang kinakasama (live-in partner) at tatlong mga apo ay madalas na nagpapalipat lipat ng bahay dahil sila ay nangungupahan lamang. Ito ay isa sa mga dahilan kung kaya't natagalan ang pagtuturo sa kanya. Karagdagan pa, dahil nga napakalayo ng lugar ng kanilang bahay ay hindi naging prayoridad ang pagtuturo sa kanya ay kadalasan ay back-up lamang. Noong mas makilala ko si Nanay Letty ay napag-alaman ko na bago pa man niya nakilala ang mga misyonero ay may malakas na syang pananampalataya kay Hesukristo ngunit ito nawala at ayaw narin nyang magdasal sa kadahilan na namatay ang kanyang bunsong anak na babae. Ngunit ang lahat ng ito ay nag-iba nang malaman niya at marinig mula sa amin ang tungkol sa plano ng kaligtasan. Naging malaki ang bahagi ni Nanay Letty sa aking puso dahil sa ipinkita niyang paniniwala sa plano dahil alam ko na bawat isa sa atin ay mga mahal sa buhay na pumanaw na nais nating muling makita at makasama. Nagbigay kami ng maraming panahon sa pagtuturo sa kanya at kahit pa hindi naging madali dahil din sa pagkakaroon niya ng ikalawang asawa ay naihanda niya ang kanyang sarili na makapasok sa tubig ng pagbibinyag. Alam ko na ang ating Ama sa Langit ang gumawa ng paraan upang mapagtagumpayan nya ang lahat ng pagsubok sa kanyang daan patungo sa tuwid at makipot na daan dahil naipakita nya ang tunay na pananampalataya lalo na sa pagtitiwala ukol sa Plano ng Kaligtasan,
 |
Me, Ronnel, Carlo and Sister Nonu
Rizal Ward Chapel, July 26, 2014 |
Si Ronnel at Carlo ay magpinsan at mga anak ng kabilang sa mga di-aktibong mga pamilya. At kabilang ang kanilang mga pamilya na pinopokus ng Rizal ward na maibalik sa simbahan kung kaya ay nagsimula kami ng aking kompanyon sa pagtuturo sa kanilang mga anak na hindi pa nabibinyagan. Naging malaking tulong sa akin ang dating calling ko sa homeward ko bilang primary teacher sa panahon ng pagtuturo namin sa kanila. Ngunit hindi ito naging madali para sa amin dahil isa sa mga layunin namin ay maibalik muna ang kanilang mga magulang bago itakda ang petsa ng kanilang pagbibinyag. Malaking naging bahagi ng tagumpay ng layunin na ito ng programa ng Dyos na "Family Home Evening". Kasama namin ang tulong mula sa mga myembro ng ward kung kaya naibalik ang kanilang mga pamilya at masayang nabinyagan sina Ronnel at Carlo. Alam ko na itinatag ng Dyos ang programang "Family Home Evening" upang maging aktibo ang espiritwalidad ng mga pamilya hindi lamang sa loob ng simbahan bagkus lalong-lalo na sa loob ng ating mga tahanan.
 |
Sister Nonu, Bro. Sambile (baptizer), Jake, Leonila (Jakes mother), Bishop Sambile and Me
Rizal Ward Chapel, Auggust 16, 014 |
Kasunod ng mga pagtuturo namin sa mga bagong binyag na tulad nila Ronnel at Carlo ay nakilala namin si Jake. Habang nagtuturo kami sa isa sa kanilang kaibigan na si Ricardo na bago pa lamang din nabinyagan ay nabanggit nya na mayroon syang kaibigan na nais kami makilala at nais maging myembro ng simbahan. Kami ay nagalak at sinabi namin kay Ricardo na imbitahan niya ang kanyang kaibigan sa susunod na magturo kami sa kanya. At ito ay nangyari, at matapos namin siyang makausap at magtanong kung bakit nya kami gusto makilala ay napag'alamanan namin na nais niyang maging myembro dahil gusto nyang maging masaya ang kanyang pamilya. Hindi man namin batid kung saan nanggaling ang emosyon nya nung mga oras na iyon bilang sampung taon gulang pa lamang sya ay ayon sa kanya ay palaging umuuwing lasing ang kanyang ama at kadalasan ay sinasaktan siya pati ang kanyang ina. Kahit nag-aalinlangan kami sa pagtuturo sa kanya dahil bata pa sya at ayaw namin na mawala sya sa simbahan pagdating ng panahon dahil walang suporta mula sa kanyang mga magulang. Kami ay napahanga sa kanyang pagsisikap na makibahagi sa aming pagtuturo sa kanyang kaibigan, pagsisimba at pagbabasa ng Aklat ni Mormon. Ipinagpatuloy namin ang pagtuturo namin sa kanya sa kondisyon na gusto namin makilala ang kayang mga magulang at nais namin na magturo sa kanya sa loob ng kanilang bahay. Nakilala namin una ang kanyang ina na si Sister Leonila dahil palaging nasa trabaho ang kanyang ama na isang drayber ng trak at gabi na ito umuuwi. Kahit pa hindi sumasama sa aming pagtuturo ang kanyang ina ay alam kong ang palagiang nakikita nya ang aming pagtuturo sa kanyang anak ang nagbukas ng pinto upang magsaliksik din ng ebanghelyo ni Hesukristo at pumayag syana magpabinyag si Jake kasama ang kanyang suporta. Nagpapatotoo na ang Espirtu Santo ay kumikilos sa puso ng mga tao sa pamamagitan ng iba't-ibang paraan katulad ng sa nangyari sa nanay ni Jake.
 |
President and Sister Rahlf, Nanay Leonila, Nanay Marivic, Sister Nonu and Me
Rizal Ward Chapel, September 13, 2014 |
Sa pamamagitan ng patuloy na imbitasyon namin sa Nanay ni Jake na si Sister Leonila ay di kalaunan ay nagbigay sya sa amin ng oras at panahon upang makinig sa aming mga mensahe para sa kanya. Naging mabuti sya sa pagtanggap ng mga kautusan na naituro namin sa kanya kung kaya naging mabilis din ang pagunlad ng kanyang pananampalataya. Malaki ang naging papel ni Jake sa paglalakbay na ito ng kanyang ina dahil sa pagnanais niya na maging masaya ang kanilang pamilya subalit nagpatuloy ang mga hindi magagandang pangyayari sa loob ng kanilang tahanan dahil malaking pagsubok niya bago nakapasok sa tubig ng pagbibinyag.
Kasabay ng kanyang binyag ay si Nanay Marivic, nakilala namin sya mula sa mga kasama naming Elders sa ward dahil lilipat na siya ng bahay sa aming area. Naging matagal din ang paghahanda niya sa binyag dahil din sa isyu ng pagkakaroon niya ng kinakasama (live-in partner) at mga di pagkakaunawaan sa pagitan nya at ng kanyang mga anak.
Pero dahil sa lakas ng pananampalataya ng dalawang nanay na ito ay nalampasan nila ang mga pagsubok na halos humadlang sa kanila upang sila ay mabinyagan. Ngunit nagpapatotoo ako na ang bawat pamilya ay nais na maging buo ng ating Ama sa Langit kasama nya. Ano man ang pagsubok at problema ang sagot ay ang ebanghelyo ni Hesukristo upang sumaya ang pagsasama. --Dumalo ang asawa ni Sister Leonila sa kanyang binyag ;)
 |
Nanay Manabat, Sister Davis, Mark, Ethan, Katrina, Me, Elder Saba and Elder Volpe
Bayombong Branch Chapel, November 01, 2014 |
Si Bro. Mark ay di-sinasadyang natagpuan at nakilala namin dahil sa paghahanap namin ng mga pangalan na ibinigay ng branch. Aming napag-alamanan na ang kanyang asawa ay myembro pala ng simabahan. Ang pagtuturo sa kanya ang masasabi kong pinakamahirap na hamon sa akin bilang isang misyonero. Noong una ay naging malaking katanungan sa kanya ang pagiging propeta ni Joseph Smith at ang katotohanan na nakita nito ang ating Ama sa Langit at si Hesukristo. Ngunit ang pagbabasa ng Aklat ni Mormon ng may tunay na layunin ang naging lakas niya upang masagot ang mga katanungan niya. Higit pa riyan ay kasama nito ang pagharap niya sa pagsunod sa Batas ng Karunungan o Word of Wisdom. Ayon sa kanya bata pa lamang siya ay natutunan na niya ang paninigarilyo kung kayat napakahirap sa kanya ang alisin ito. Isang malaking biyaya at mirakulong maituturing ang malampasan nya ang pagsubok na ito upang siya ay mabinyagan at dahil ito sa taimtim na pagdarasal at pag-aayuno. Naniniwala ako na katumbas ng bawat sakripisyo na ibinibigay natin sa Dyos ay may katumbas na hindi lamang biyaya kundi mga mirakulo na magbabago ng buhay natin magpakailanman.
 |
Mark Nayal Family Sealing |
At matapos ang mahigit isang taon si Mark at ang kanyang pamilya ay naibuklod sa Templo. Malaking biyaya na makita silang muli matapos ang aking misyon at hindi lang yon makita sila na nakaputi sa ikalawang pagkakataon.
 |
Me, Nanay Lozano and Princess, Sister Brown
Gamu Branch Chapel, January 17, 2015 |
Si Princess at ang kanyang nanay ay nakilala ng mga missionary dahil sa sila ay referral ng District Presidency Counselor na kanilang kapit-bahay. Ang mga naging pagtutol ng ilan sa kanyang mga anak at kanilang tatay ang nagpahirap sa kanila ng pagtatakda ng kanilang pagbibinyag. Ngunit nagpapatotoo ako na kapag ang Dyos ang nagbigay ng kautusan at tayo ay nagkaroon na pagnanais na sumunod ay siya mismo ang nagbibigay sa atin ng mga pamamaraan upang tayo ay makasunod. At sa pamamagitan ng kapangyarihan ng taimtim na pagdarasal ay masaya silang nabinyagan.
 |
Me, Chuchay and Sister Brown |
Si Chuchay ay kasabay na nagpabinyag kasama nila Princess siya ay matagal nang aktibo at myembro ng simabahan. Ganun din siya ay malaking tulong sa gawaing misyonero dahil maraming pagkakataon na sumasama sya sa pagtuturo namin kapag kailangan namin ng fellowshipper. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon at dahilan ay hindi makita ang kanyang pangalan sa rekord ng simbahan. Kasama niya ay natutunan namin na may mga bagay o pangyayari talaga na mahirap unawain subalit kung namumuhay tayo ng may pagtitiwala sa Dyos ano man ang mangyari ano man ang dahilan ay gagawin natin basta ito ay kautusan ng Dyos.
 |
Me, Nanay Maravilla, Princess, her husband and Sister Murdock |
Si Nanay Maravilla ay isa sa mga maituturing na "eternal investigator". Ito ay dahil matagal na siyang investigator, ipinamumuhay na niya ang ebanghelyo na parang isa na siyang tunay at ganap na myembro at nabasa na niya ng maraming ulit ang buong aklat ni mormon at napakaganda ng kanyang patotoo subalit ang kanyang asawa (co-habitant) ay ayaw pumayag na sila ay magpakasal. Makalipas ang maraming panahon, pagdarasal at apag-aayuno ay dumating din ang pagkakataon na sumang-ayon na ang kanyang asawa na ganapin ang kanilang kasal upang matuloy na ang kaniyang pagbibinyag at hindi lang ito ang kanyang asawa rin ay nagkaroon na ng pagnanais na makinig sa pagtuturo ng mga misyonero. Ang kanilang kasal at ang kanyang pagbibinyag ay sabay na ginanap sa araw ng mga puso.
 |
Me, The Nanay's of Guibang and Sister Brown
Gamu Branch Chapel |
SISTER CARMILYN ATIENZA
No comments:
Post a Comment