Pagpasok sa MTC

"And Jesus increased in wisdom and stature, and in favor with God and man."


Missionary Training Center
CLASS 567

Sister Atienza and Bishop Atienza


Ready to enter the MTC
Nobyembre 22, 2013, ako ay ganap na tumungo at pumasok sa Missionary Training Center kung saan ako ay magsasanay sa gawaing misyonero sa loob ng labing-dalawang araw.

Gayunpaman, tatlong linggo bago ako pumasok ng MTC ay may isang kakaibang sakit na dumapo sakin. Una, ay nawalan ako ng panlasa matapos iyon ay ang hindi mapigilang pagluha ng aking mga mata ng hindi ko alam ang dahilan, tumagal ang mga sintomas na iyon ng isang linggo. Pagkaraan ay tuluyan ng nawala ang pakiramdam sa kalahating bahagi ng aking mukha. Ayon sa doktor na sumuri sa akin ay ako ay dumaranas ng sakit na tinatawag na "Bells Palsy" ito ay ang kondisyon na kung saan ang kalahating bahagi ng mukha ay naparalisa.

Karamihan ng may taong nagkasakit ng tulad ng sa akin ay dumaan sa matagal na gamutan kalimitan ay hanggang dalawang taon at ang pinaka-mabilis ay sa loob lamang ng tatlong linggo. Masaya ako na kahit pa sa pagsubok na ito ay patuloy kong naramdaman ang pagmamahal ng Dyos. At himala kong maituturing na ako ay gumaling sa pinakamabilis na panahon ay naihanda ko ang sarili na maipagpatuloy ang pagpasok ko sa MTC, At alam ko ay dahil ito sa tulong ng pananampalataya ko kay Hesukristo at alam ko na kapag tayo ay hindi natinag ipagkakaloob nya sa atin ang mga biyaya na kailngan natin tulad ng paggaling sa ating mga sakit.

Sister Acosta (my companion), ME and MTC President Beck
Sister Acosta, Elder and Sister Eves


"Ask, and ye shall receive, knock and it shall be open unto you. Amen."
-Doctrine and Covenants 4:7


SISTER ATIENZA

No comments:

Post a Comment