Transfer Day

"I will go and do the things which the Lord hath commanded, for I know that the Lord giveth no commandments unto the children of men, save he shall prepare a way for them that they may accomplish the thing which he commandeth them."
-1 Nephi 3:7


Isa sa mahalagang bahagi sa buhay ng isang misyonero na tulad ko ay nagaganap tuwing ika'anim na linggo o ito yung tinatawag na "transfer cycle". Maraming mga pagbabago ang dala ng isang transfer cycle, maaring malipat ka ng lugar o mapalitan ang iyong kompanyon.

Gayunpaman, ang mga pagbabagong ito ay nagmumula hindi sa sariling kagustuhan naming mga misyonero bagkus ito ay taimtim na pinagdarasal ng aming mission president upang matanggap ang mga paghahayag na kailangan tungo sa sagradong pagbabago para sa ikakaunlad ng aming gawain sa misyon.

Transfer List received through text mesaage

Ang pagpapalit ng kompanyon ay lubhang mahirap lalo na sa umpisa. Ito ay dahil ang una mong kompanyon katulad ng sa aking karanasan ay maituturing parang isa mong magulang na syang nagtuturo lahat ng una mong kailangan malaman sa buhay mo bilang isang misyonero. Gayunpaman, ang pagbabago na ito na naranasan ko ay napakarami kong natutunan dahil alam ko na ang Diyos ang syang nagtatakda at pumipili ng kompanyon na ukol sayo dahil alam nya sila ang tamang tao na magtuturo sayo ng mga aral at katangiang kailangan mo. Sa ibat-ibang edad o lahi ng mga nakasama ko ay biyaya sila sakin ng Diyos dahil sila ang dahilan na mas nakilala ko ang sarili ko at nagpapatotoo ako na ang pagmamahal mo sa mga nakakasama mo ay mahalagang pundasyon upang mahalin mo rin ang iba pang taong nakapaligid sayo. 



Isa pa sa mga masasakit na bahagi ng transfer cycle ay ang "pamamaalam". Maraming beses ako ay lumuha sa pagbabago ng area o lugar dahil kailangan kong magpaalam sa mga tao at pamilya na aking minahal. Ngunit may sariling oras at panahon ang Diyos at alam niya ang nararamdaman ng bawat misyonero pero ito ay dahil alam nya na may iba pang mga lugar tao at pamilya na naghihintay sayo upang maibahagi mo ang ebanghelyo nya. At pinagpala ako na nagkaroon ako ng pagkakataon na maglingkod sa anim na lugar at ito ang Alicia, Rizal, Bayombong, Gamu, Ilagan at Solano. Mahal na mahal ko ang bawat area ko lalo na ang mga tao at mga pamilya na nagmahal din sa akin bilang misyonero.





Bilang isang misyonero, ang "packing and unpacking" ang pinaka ayokong gawain sa misyon. Pero may natutunan din ako tungkol dito. Na sa bawat pagkakataon na ako ay aalis sa isang lugar ay mas mabigat ang aking mga dala hindi dahil sa mga kagamitan ko kundi dahil baon ko ang mga sagradong karanasan at aral na natutunan ko. At ito ay ang mga aral na dadalhin ko panghabambuhay. 


"Wherefore, go thy way; watch the tree, and nourish it, according to my words."
-Jacob 5:12


SISTER ATIENZA